Cold Coffee

It was 5:44 pm.
The wind was cold,
and so were you.
I kept looking around,
Waiting for any word to arise to describe what surrounds us.
I counted my breathing,
Still I was uneasy.
I reminded myself of happy memories to share,
but still my mouth kept shut the whole time.
You kept on clearing your throat
as if you were about to tell something.
Something important,
I don’t know.
It was getting colder and colder,
as the sun sets and the clouds get darker.
Still,
it was the same.
We remained frozen.
Suddenly,
I uttered your name and asked for a coffee break.
It was magical, I got the timing to finally speak.
You agreed.
We walked along the park.
And that was the longest ten meters
I walked in my entire life.
I felt like I’m counting millions,
As I heavily breathe along the way.
The silence
For sure, was nerve-wracking.
No one dared to speak,
Nor look in each other’s faces.
I don’t know how we ended the day.
But one thing’s for sure,
The hotness of the coffee was not yet enough
to kill the coldness between us.
A cold coffee,
Indeed.

Advertisements
Cold Coffee

Nauwi sa Wala

Siguro pareho lang tayong naliligaw ng landas. Sinubukan lang natin kung ang bawat isa nga ba ang makapagtuturo ng daan pabalik sa tama. Saglit lang. Mali. Nung araw na ‘yon, gusto lang ata natin ng kasama dahil ayaw nating mapag-isa. Kaya naman, pinili na lang nating magsama. Matagal ka na palang naliligaw.  Ako rin, kung alam mo lang. Pinipilit ko lang rin mahanap ang tamang daan. Masaya ka naman kasama pero madalas, naguguluhan ako. Naguguluhan ako kung saan ba tayo tutungo. Nakakalito. Paulit-ulit na ata ang ruta na tinatahak natin. Paikot-ikot lang sa isang lugar at hindi na umuusad. Minsan, napagdedesisyunan nating itigil ang byahe. Nakakapagod naman kasi. Gayon pa man, bumabalik pa rin tayo sa dating gawi. At nagpaulit-ulit na naman tayo. Sa hinaba-haba ng oras, walang umiimik. Walang gustong tumigil at magtama ng landas na dati nang tinahak. Nauwi sa wala. Gano’n pa rin tayo. Patungo sa wala. Siguro nga, kahit kelan di natin mahahanap ang tamang landas kung pareho pa tayong naliligaw. Pero sana kapag alam na natin kung saan tayo tutungo, mahanap pa rin natin ang isa’t isa kahit na minsa’y naligaw na tayong magkasama. 

Nauwi sa Wala

Blind or Color Blind?

Pinilit ko mang alamin ang tunay mong kulay,

Sa huli’y ‘di ko pala kayang matukoy kung ano ang itim at puti.

Nagtiwala akong ako’y mapapanatag sa ‘yong kulay.
Magaling naman sa pagpinta,

Dinagdagan ko ang puti ng iba’t ibang kulay.

Dilaw, pula, berde, puti, itim, bughaw, at iba pa.

Walang gabing hindi nawawaglit sa isip ang obrang pinipinta.

Puno ng pag-asang magiging makulay ang lahat.
Hanggang sa mapansin,

Ako pala’y nagkamali.

Walang makulay na obra.

Wala pala akong binubuong obra. 

Sa una palang,

Itim na pala ang nag-uumapaw na kulay.

Balewala pala ang oras na ginugol sa pagpinta ng ibang mga kulay.

Ang natitirang puti, 

Unti-unti na ring nagiging abo’t nilalamon ng itim.

Malabo na.

Malabo na itong maging makulay.

Blind or Color Blind?

Bitag

Ano na’ng nangyari sa mga ipinangako mo?
Anong ginawa mo?
Tila yata’y nalinlang ka ng sarili mong pagnanasa.
Asan ka ngayon?
Nagsisisi sa kahapon.
Naghahanap ng kasagutan, kaliwanagan.
Bakit ka nagpatalo sa sarili mo?
Dating matibay,
Ngayo’y di na makasabay;
Di na makausad.
Nalulungkot sa sinapit,
Kaya pa bang kumapit?
Kung walang makapitan,
Sarili kaya’y bibigay nang tuluyan?

Bitag

Problemado

Bakit lagi mong pinagpipilitan ang lahat?

Lahat ng mga pangyayari,

gusto mo, naaayon sa kagustuhan mo.

Madalas, pinagsisisihan mo ang mga pinili mong desisyon.

Bakit?

Dahil hindi umayon sa loob mo ang naging resulta?

Sino nga ba ang responsable sa desisyong iyong ginawa?

 

Bakit ba kasi lagi mong pinagpipilitan ang lahat?

Pwede namang maging simple lang ang buhay.

Walang pag-aasam at paghahangad.

Punung-puno ng pag-asa,

Marunong tumanggap sa takbo ng buhay.

 

Paano ka sasaya kung walang katapusan ang iyong paghahangad?

 

Problemado